Home METRO Lesbian na gumulpi sa 4-anyos na anak ng kinakasama, kalaboso!

Lesbian na gumulpi sa 4-anyos na anak ng kinakasama, kalaboso!

69
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 28-anyos na babae sa Taguig City matapos makuhanan ng video ang umano’y pananakit nito sa isang apat na taong gulang na batang lalaki, na anak ng kanyang kinakasama, nitong Lunes, Mayo 18.

Ayon sa pulisya, mabilis na naaresto ang suspek na kinilalang kinakasama ng ina ng biktima, matapos kumalat sa social media ang video ng insidente.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nasa kustodiya na ng social welfare office ang bata para sa kaukulang interbensyon at tulong. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here