Home NATIONWIDE Alok na $1.75B pautang ng ADB, ‘di pa alam kung saan gagamitin...

Alok na $1.75B pautang ng ADB, ‘di pa alam kung saan gagamitin – Malakanyang

40
0

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan pa ng pamahalaan kung tatanggapin ang alok na $1.75 bilyong financing assistance mula sa Asian Development Bank na maaaring magamit upang matugunan ang epekto ng sigalot sa Middle East sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kailangan pa itong dumaan sa masusing pagsusuri ng Department of Finance bago pagdesisyunan ng gobyerno kung tatanggapin ang alok.

Sinabi ni Castro na rerepasuhin ng DOF ang terms and conditions ng financing package upang matiyak na naaayon ito sa fiscal at debt management objectives ng administrasyon.

Inamin din ng opisyal na malaking tulong ang naturang alok mula sa ADB upang mabawasan ang posibleng epekto ng tensyon sa Middle East sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon pa kay Castro, ipinapakita rin nito ang tiwala ng mga development partners sa kakayahan ng pamahalaan na harapin ang mga pandaigdigang hamon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here