Home NATIONWIDE Paco market sa Maynila, ininspeksyon ng DA

Paco market sa Maynila, ininspeksyon ng DA

49
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Agriculture (DA) sa mga retailers, wholesalers, at traders ng bigas na sumunod sa price cap na ipinag-utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nitong Martes ng umaga, personal na nag-inspeksyon si DA Secretary Francis Tiu Laurel Jr.  sa mga tindahan ng bigas sa Paco Market sa Maynila.

Ito’y para masiguro na naipapatupad ang Executive Order No. 118 Series of 26 o P50 kada kilong price ceiling sa mga inangkat o imported na bigas sa naturang palengke.

Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa mandato ng gobyerno na pigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas.

May mga ilang tindahan naman ang nakitaan ng paglabag sa naturang kautusan kung saan mas mataas ang bentahan ng bigas.

Ayon kay Laurel, epektibo noong May 14 ang price capatid magtatagal ito hanggang Hunyo 12  kaya naman nanawagan ito sa mga nagbebenta ng bigas na makipagtulungan para aniya makatulong naman sa buong bansa.

Sa mga nakitaan ng paglabag, hindi muna ito pagmumultahin ng DA at sa halip ay binigyan muna sila ng babala o warning.

Nabatid sa ilalim ng patakaran, ang mga lalabag sa maaaring magmulta ng P5,000 hanggang P1,000,000 o maaaring makulong nang isa hanggang sampung  taon ang mga nagtitinda, trader, o importer.

Buko dito, nakapaloob rin sa Price Act ang kapangyarihan ng DA na ipasara o suspindihin ang operasyon ng mga pasaway na negosyante na nagbebenta ng sobra-sobrang singil sa presyo ng bigas . Jocelyn Tabangcura-Domenden (larawan ni Eric Ocapan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here