Home NATIONWIDE Rekomendasyon ng World Bank sa functional review, tinanggap ng CHED

Rekomendasyon ng World Bank sa functional review, tinanggap ng CHED

53
0

MANILA, Philippines – Tinanggap ng Commission on Higher Education (CHED) ang paunang findings at rekomendasyon ng World Bank mula sa isinasagawang functional review nito sa ahensya.

Ayon kay CHED Chairperson Shirley Agrupis, makatutulong ang mga unang resulta para mapabuti ang operasyon ng komisyon.

“The review supports continuing reforms to strengthen the Commission’s capacity to serve students and higher education institutions,” aniya.

Dagdag pa niya, makakatulong din ang mga rekomendasyon sa pagpapalakas ng governance, pagpapahusay ng scholarship management, pagpapabilis ng digitalization ng mga sistema, at mas maayos na regulatory processes.

Nagsimula ang functional review noong January 30 at bahagi ito ng ACHIEVE agenda ng CHED na layuning magkaroon ng mas maayos na pamamahala at mas episyenteng serbisyo para sa mga estudyante at higher education institutions sa bansa.

Kabilang sa World Bank delegation ang mga eksperto sa edukasyon at ekonomiya mula sa East Asia at Pacific region. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here