Home NATIONWIDE Code Blue Alert itinaas sa Albay sa pagputok ng Mayon

Code Blue Alert itinaas sa Albay sa pagputok ng Mayon

3
0

MANILA, Philippines – Itinaas ng Provincial Health Office ng Albay ang alert status nito sa Code Blue kasunod ng pagputok ng Bulkang Mayon.

Sa memorandum na inisyu noong Oktubre 30, 2026, ipinag-utos ni Provincial Health Officer-in-Charge Dr. Karl Hegel Ante ang pagtataas ng alerto mula sa Code White patungong Code Blue upang masiguro ang kahandaan sa posibleng volcanic activity ng bulkan at epekto ng moderately explosive eruption nito.

“Nangangahulugan ang Code Blue Alert ng mobilisasyon ng 50% ng mga resources ng mga ahensiya bilang karagdagang suporta sa kanilang regular na operasyon,” sinabi ng Albay PIO.

“Ang pagtataas ng Code Blue Alert mula sa Code White Alert ay upang matiyak ang kahandaan ng mga pasilidad at agarang pagtugon sa mga posibleng pangangailangang medikal ng mga maaapektuhang komunidad,” dagdag pa.

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Bulkang Mayon sa Alert Level 3 matapos maitala ang moderately explosive eruption bandang 11:53 ng umaga nitong Biyernes, Oktubre 30.

Inilikas naman ang nasa 746 pamilya o 2,041 indibidwal dahil dito.

“Bilang bahagi ng direktiba, kailangang ng 24/7 na Health Emergency Operations Center (OpCen), tiyakin ang sapat na suplay ng mga gamot at iba pang logistical requirements, at ihanda ang mga standby Emergency Response Team na maaaring agad i-deploy kung kinakailangan,” dagdag pa ng Albay PIO kaugnay sa pagtataas sa Code Blue ng probinsya.

Kabilang din sa paghahanda ang Rapid Health Assessments sa evacuation centers at pagbibigay ng water, sanitation, at hygiene (WASH) assistance.

Naghahanda rin para makapagbigay ng medical at public health services, nutrition support, maging ang mental health at psychosocial para sa mga apektadong residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here