Home NATIONWIDE Pasig court naglabas ng cyber warrant vs Franco Mabanta, 4 iba pa...

Pasig court naglabas ng cyber warrant vs Franco Mabanta, 4 iba pa – NBI

46
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes na inaprubahan ng korte sa Pasig ang isang cyber warrant laban kay Peanut Gallery Media Network founder Franco Mabanta at apat pang indibidwal.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ang warrant ay magbibigay sa kanila ng “to have access” sa mga gadget na nakumpiska noong pag-aresto sa grupo.

Ayon sa NBI, inaresto si Mabanta at ang apat pa dahil sa umano’y tangkang pangingikil ng P300 milyon kay dating House Speaker Martin Romualdez kapalit ng hindi paglalabas ng isang umano’y kompromising video.

Itinanggi ng PGMN ang mga akusasyon at sinabing “setup” umano ang nangyari sa kanila.

Matapos makapagpiyansa, pinalaya ang grupo mula sa NBI Detention Facility noong Mayo 9. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here