Home NATIONWIDE P117M lotto jackpots, mailap sa mananaya

P117M lotto jackpots, mailap sa mananaya

51
0

MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot prize sa major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Martes, Mayo 19, 2026.

Nanatiling hindi napanalunan ang P17,376,838.36 jackpot prize ng Lotto 6/42 matapos walang makatama sa winning combination na 15-06-31-16-22-25.

Wala ring nanalo sa P25 milyong jackpot prize ng Superlotto 6/49 matapos walang tumama sa numerong 49-35-44-04-14-05.

Samantala, wala ring nakakuha ng tamang kombinasyon na 06-38-09-26-48-14 para sa P75 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Ang Lotto 6/42 draws ay ginaganap tuwing Martes, Huwebes at Sabado habang tuwing Martes, Huwebes at Linggo naman ang Superlotto 6/49. Isinasagawa naman tuwing Martes, Biyernes at Linggo ang Ultra Lotto 6/58 draws. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here