Home NATIONWIDE Paggulpi sa 3-anyos ng lesbian, pinalagan ng DSWD

Paggulpi sa 3-anyos ng lesbian, pinalagan ng DSWD

126
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Department of Social Welfare and Development (Department of Social Welfare and Development) ang pisikal na pang-aabuso sa isang tatlong taong gulang na bata sa Sitio Bagong Pag-asa, Barangay Western Bicutan, Taguig City matapos kumalat sa social media ang viral video ng insidente.

Makikita sa naturang video ang isang batang lalaki na pinagsisipa at pinagsusuntok umano ng kinakasama ng kanyang ina.

Tinawag ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao ang insidente na “deeply disturbing and unacceptable” at iginiit na hindi kinukunsinti ng ahensya ang anumang uri ng karahasan laban sa mga bata.

“Mahigpit pong kinokondena ng DSWD ang anumang uri ng pananakit at pang-aabuso laban sa mga bata,” ani Dumlao.

Binigyang-diin niya na mahigpit na ipinagbabawal ng umiiral na batas ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata, kabilang ang pisikal, emosyonal, at sikolohikal na pang-aabuso sa ilalim ng Republic Act (Republic Act 7610) at Republic Act (Republic Act 9262).

Ayon sa DSWD, nakipag-ugnayan na ang DSWD-National Capital Region sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng bata at ng kanyang ina. Kinumpirma rin na nasagip na ang bata at kasalukuyang nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development Office.

Nasa ilalim na ng inquest proceedings ang itinuturong salarin habang patuloy ang psychosocial intervention ng mga social worker para sa mag-ina.

Muling nanawagan ang DSWD sa publiko na agad i-report sa mga awtoridad ang mga kahalintulad na kaso ng pang-aabuso upang maiwasan ang mas matinding pinsala. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here