MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P3.5 milyong halaga ng sigarilyo na pinaniniwalaang smuggled sa operasyon sa Balayan, Batangas, Tuesday.
Naaresto sa operasyon ang suspek na kinilalang si “Norilyn,” 32-anyos, sa Sherian Village, Barangay Guimalas.
Ang suspek ay naaresto matapos tanggapin ang marked money mula sa undercover police na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska ang nasa 350 reams ng iba’t ibang brand ng sigarilyo mula sa suspek.
Naka-detain na ang suspek sa Balayan Municipal Police Station habang inihahanda ang mga reklamo laban sa kanya sa umano’y paglabag na may kaugnayan sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue. RNT/JGC