Home NATIONWIDE Mabait na delivery rider na maghahatid ng parcel kinatay ng mga lasing

Mabait na delivery rider na maghahatid ng parcel kinatay ng mga lasing

80
0

Bulacan – Dead on the spot ang isang mabait na delivery rider matapos pagsasaksakin at pababarilin ng mga lasing sa bayan ng Bocaue nitong hapon ng Mayo 19.

Sa ulat kay PLTCOL Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue police station, kinilala ang biktima na si alyas “Warren”, 40, residente ng Brgy. Biñang 1st.

Ayon sa paunang imbestigasyon at sa salaysay ng testigo, habang naghahatid ng parcel ang rider bandang 5:30 ng hapon sa V. Mauricio Ext. 1, Brgy. Turo ay bigla umanong itong sinaksak sa likod ng unang suspek.

Tinangka pa umano ng biktima na tumakbo subalit muli itong sinugod at sinaksak kaya bumagsak sa kalsada.

Nabatid na habang nakahandusay ang ay pinaputukan naman ng limang beses ng isa pang suspek ang biktima at mabilis silang tumakas patungong silangang bahagi ng lugar.

Nang makarating ang impormasyon sa istasyon ay agad nagsagawa ng follow-up operation kaya naaresto ang dalawang suspek na hindi pa nakakalayo sa lugar.

Nakuha sa mga suspek ang caliber 9mm pistol Parabellum Made in Hungry FEG-Budapest, apat na bala, dalawang magazine, limang fired cartridge at isang kutsilyo.

Sinasabing napagbintangan umano ang ang kilalang mabait na rider na nambatok ng bata kaya napagbalingan ng mga dayong suspek na nag-iinuman sa lugar.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here