Home NATIONWIDE VP Sara, nagbigay-pugay sa Philippine Navy sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas

VP Sara, nagbigay-pugay sa Philippine Navy sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas

58
0

MANILA, Philippines – NAGBIGAY-PUGAY si Vice President Sara Duterte sa Philippine Navy sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo nito.

Sa isang video message, tinukoy ni VP Sara ang papel ng Philippine Navy sa pagprotekta sa maritime territory ng bansa sa gitna ng nagpapatuloy na hamon sa karagatan.

“Higit sa lahat, kinikilala ko ang inyong paninindigan para sa soberanya at integridad ng ating teritoryong pandagat. Sa gitna ng mga hamon sa ating karagatan, kayo ang nagsisilbing unang linya ng depensa,” ang sinabi ni VP Sara.

“Hindi biro ang inyong tungkulin—ang protektahan ang ating teritoryo ay pagtitiyak sa kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino,” dagdag na wika nito.

Para kay VP Sara, ang papel ng Philippine Navy ay mahalaga sa pagbuo ng isang bansa na ‘malaya, matatag at mapayapa.’

Hinikayat naman ni VP Sara ang Philippine Navy na ipagpatuloy lamang ang pagsisikap na protektahan ang “what is rightfully ours.”

“Manatili kayong tapat sa inyong sinumpaang tungkulin, at sa ating saligang batas anuman ang pagsubok na inyong kaharapin sa gitna ng laot,” ani VP Sara.

“Stand firm in protecting what is rightfully ours,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here