Home NATIONWIDE Konstruksyon ng flood control pumping station sa QC sisimulan bago matapos taon

Konstruksyon ng flood control pumping station sa QC sisimulan bago matapos taon

50
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang konstruksyon ng pumping station para sa flood mitigation project sa kahabaan ng G. Araneta Avenue sa Quezon City ay maaaring magsimula sa katapusan ng taong ito o sa unang bahagi ng susunod na taon.

Inihayag ito ng Pangulo matapos inspeksyunin, araw ng Miyerkules, Mayo 20, ang G. Araneta drainage improvement project sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr. Avenue, naglalayong matugunan ang paulit-ulit na pagbaha sa lugar.

Kasama si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, sinabi ng Pangulo na ang nagpapatuloy na pipe-laying activities ay inaasahan na makokompleto sa susunod na linggo.

idinagdag pa nito na ang konstruksyon ng pumping station ay maaaring magsimula sa katapusan ng taon o sa unang bahagi ng susunod na taon.

“Dito eh historically, pagka masyadong malakas ang ulan, o kahit na may ulan, basta may ulan lang, baha agad dito eh. Kaya kailangan natin itong pumping station,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Sa susunod siguro ay itong pumping station. Temporary lang ito. Sa susunod eh gagawin natin permanent sa malapit-lapit sa San Juan River,” aniya pa rin.

Ang G. Araneta drainage improvement project ay may saklaw na 758 meters mula Kaliraya Street hanggang E. Rodriguez Sr. Avenue at nakapaloob ang pagkakabit ng dalawang 1.5-meter-diameter high-density polyethylene (HDPE) pipes sa ilalim ng karsada.

Ang bagong sistema ang nag-supplements sa umiiral na 0.91-meter-diameter drainage line sa ilalim ng bangketa.

Pinondohan ng halos P500 million sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act, ang proyekto ay nagsimula noong March 2025.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang proyekto ay nakompleto ng 96.75% ‘as of May 18’, na ganap na makokompleto naman sa loob ng buwan.

Sa nasabing inspeksyon, inobserbahan ni Pangulong Marcos ang pipe-laying activities na magpapadaloy ng tubig ulan mula sa G. Araneta Avenue tungo sa San Juan River.

Kabilang sa proyekto ang pagkakabit ng malaking HDPE pipes, upgraded water inlets, at pinahusay na outfall structures na naglalayon na itaas ang drainage capacity at tiyakin na mas mabilis ang daloy ng tubig ulan sa panahon ng tag-ulan.

“Sa kabuuan, ang ginawa po natin ay hindi para sa Metro Manila lamang. Siyempre ‘yan ang inuuna natin dahil masyadong highly populated at maraming naapektuhan pagka may baha, kaya ito ‘yung inuuna natin,”ayon kay Pangulong Marcos.

“So, these are the strategies that we are employing and it will take a little time, but we put in a good start,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here