Home NATIONWIDE Pananaw ng OSG na pugante si Bato kinatigan ng Malakanyang

Pananaw ng OSG na pugante si Bato kinatigan ng Malakanyang

55
0

MANILA, Philippines – KINATIGAN ng Malakanyang ang pananaw ng Office of the Solicitor General (OSG) na pugante na si Senador Ronald dela Rosa matapos umalis sa Senado noong nakaraang linggo sa kabila ng arrest warrant ng International Criminal Court para sa reklamong crimes against humanity sa madugong war on drugs.

Pinagbasehan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa pagkatig niyang ito sa pananaw ng OSG ang ginawang pagbasura ng Korte Suprema sa hiling ng kampo ni Senator Dela Rosa na maglabas ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Bato.

“Iyan din po ang panaw ng OSG na siya po ay kinokonsidera na fugitive,” ayon kay Castro.

“Sa ngayon ang masasabi po natin na ang warrant of arrest ay valid laban kay Senador Bato at ang lahat ng maaaring interpretasyon at ebalwasyon ng nasabing resolusyon ng SC ay ibabato po natin kay (Justice Fredderick) Vida,” ang sinabi pa rin ni Castro

Sa ulat, sa botong 9 na pabor, 5 tutol at isang abstain, ibinasura ng Supreme Court En Banc ang petisyon para sa TRO at status quo ante order na inihain ng kampo ng senador.

Hinihiling nila na huwag ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Foreign Affairs (DFA), the Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagpapatupad ng warrant mula sa ICC.

Paglilinaw naman ng Kataas-taasang Hukuman, ang petisyon para sa TRO pa lamang ang kanilang dinesisyunan at hindi pa kasama rito ang iba pang mosyon sa kaso.

Inihain noong nakaraang taon ang petisyon para kuwestiyunin ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas at pakikipagtulungan dito ng ating gobyerno. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here