PANOORIN: Ibinahagi ng Malakanyang ang CCTV footage na ipinresenta ng Philippine National Police (PNP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang pulong sa Palasyo ng Malakanyang kasama sina DILG SEc. Jonvic Remulla at Justice Secretary Fredderick “Eric” Aure Vida.
Makikita sa CCTV footage ang magkasunod na paglalakad papuntang Senate basement parking nina Senador Robin Padilla at Ronald dela Rosa, na sumakay sa puting Toyota Fortuner na sinasabing pag-aari ni Padilla at agad na umalis sa premise ng Senado. KRIS JOSE