Home NATIONWIDE ‘Rescue buy drive’ para tulungan mga magsasaka inilunsad sa Kamara

‘Rescue buy drive’ para tulungan mga magsasaka inilunsad sa Kamara

65
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Kamara ang isang “rescue-buy” initiative upang saklolohan ang mga magsasaka mula sa Cordillera na labis na apektado ng bumagsak na presyo ng gulay, at oversupply.

​Ang naturang aktibidad na isinagawa sa pangunguna nina House Speaker Faustino Dy at House Majority Leader Sandro Marcos ay dinaos mula Mayo 19 at 20 sa North Wing Lobby.

​Sa ilalim ng programa, ibinibenta ang mga sariwang repolyo sa halagang P200 lamang kada 10 kilo o P20 bawat kilo upang hikayatin ang mga mambabatas, kawani ng Kamara, at mga bisita na direktang suportahan ang mga lokal na magsasaka at maibenta ang mga sumobrang ani.

​Ayon kay Marcos, ang inisyatibong ito ay patunay ng commitment ng liderato ng Kamara na alalayan ang mga magsasaka sa panahon ng krisis.

​“Our farmers work tirelessly to feed the nation, yet many of them suffer huge losses whenever prices collapse because of oversupply and high transport costs. This rescue-buy initiative is our simple but meaningful way of helping ease their burden,” pahayag ni Marcos.

​“Every kilo bought is direct support for the livelihood of our farmers. We hope this effort also raises awareness about the daily struggles faced by those who keep our food supply stable,” dagdag ni Marcos.

​Hinimok din ni Marcos ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga lokal na produktong agrikultural at mga inisyatibong nagpoprotekta sa mga magsasaka laban sa pagkalugi.

​“Kapag tinulungan natin ang ating mga magsasaka, tinutulungan din natin ang food security ng bansa. Maliit man na hakbang ito, malaking bagay ito para sa ating mga kababayan sa sektor ng agrikultura,” pagtatapos pa ni Marcos. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here