Home NATIONWIDE Tricycle driver timbog sa P204K kontrabandong yosi sa Bulacan checkpoint ops

Tricycle driver timbog sa P204K kontrabandong yosi sa Bulacan checkpoint ops

82
0

Bulacan – Arestado ang isang tricycle driver ng mahulihan ng P204,000.00 halaga ng umanoy smuggled cigarettes sa isinagawang anti-criminality checkpoint operation ng pulisya sa bayan ng Bulakan nitong hapon ng Mayo 19.

Sa ulat ni PLTCOL Lynelle Solomon, hepe ng Bulakan police station, kinilala ang suspek na si alyas “JC”, 25, residente ng bayan ng Paombong.

Ayon sa ulat ng istasyon, ikinasa ng kanilang mga tauhan ang operasyon bandang 3:30 ng hapon sa Brgy. San Nicolas.

Nabatid na pinara ng mga pulis ang tricycle na minamaneho ni alyas “JC” para sa beripikasyon sa checkpoint operation.

Sa isinagawang inspeksyon, nabigong makapagpakita ang driver ng kanyang driver’s license at rehistro ng motorsiklo.

Napansin din ng mga pulis ang bukas na kahon na naglalaman ng mga kaha ng sigarilyo na kalaunan ay natuklasang mga smuggled cigarettes kaya ito inaresto.

Agad kinumpiska ng mga pulis ang kabuuang 200 reams ng smuggled cigarettes na may market value na nasa P204,000.00.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 12022.

Kaugnay nito, pinaalala ni PCOL Jay Baybayan, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy paiigtingin ng mga pulis ang mga checkpoint at kampanya laban sa smuggling at iba pang ilegal na aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa buong lalawigang ito. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here