Home NATIONWIDE Mabilis na access sa mental health services isinusulong sa Kamara

Mabilis na access sa mental health services isinusulong sa Kamara

52
0

MANILA, Philippines – Dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng nagkakaroon ng depresyon sa mga kabataan at mag-aaral ay isinulong ni Parañaque Rep. Brian Yamsuan ang pagkakaroon ng mabilis at “accessible mental health services” sa lahat ng unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Inihain ng mambabatas ang House Bill (HB) 7354 na ang layunin ay makapagtatag ng Mental Health Office (MHO) sa mga State Universities and Colleges (SUCs) upang matugunan ang lumolobong bilang ng may anxiety at depression sa mga kabataan.

Ang MHO ay kailangang naka-ugnay sa Department of Education (DepEd) upang matiyak ang tuntunin sa 24/7 helpline sa mga mag-aaral ng elementarya at sekundarya.

“While the DepEd has been focused on ensuring the mental well-being of students in the basic education sector, no such initiative has been institutionalized at the tertiary level to benefit college students, who are as vulnerable to emotional stress, depression and even bullying,” ayon kay Yamsuan.

Tinukoy ng kongresista ang inilatag ng DepEd na Learners TeleSafe Contact Center Helpline #33733 sa buong bansa na makapagbibigay ng agarang mental health support sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng direktang koneksyon at paggabay mula sa National Center for Mental Health Crisis Hotline.

“Our proposed legislation will address these gaps in the implementation of government programs aimed at effectively responding to the growing mental health crisis among our youth,” dagdag pa ng mambabatas.

Unang nagpahayag ng pagka-alarma si Yamsuan sa resulta ng sarbey na isinagawa noong 2021 ng University of the Philippines Population Institute, kung saan lumabas na 7.5 percent ng mga Pilipino kabataan na may 15 hanggang 24 ay dumaranas ng o nakaranas at nakakapag-isip na magpakamatay na doble o tatlong porsyento pa ang nadagdag noong 2013. Sa mga nagsabing sila ay nakaranas ng depresyon ay tumaas ng pitong porsyento noong 2013 at nadagdagan pa ng 11 porsyento noong 2021.

Noong 2023 ay naitala ang 3,133 na namatay dahil sa “intentional self-harm” ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Sa kabuuang bilang na ito, ang 30 porciento ay naitalang nasa edad mula 15 hanggang 24 taong gulang. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here