Home METRO Ina ng 3-anyos na biktima ng pang-aabuso sa Taguig, sinasaktan rin ng...

Ina ng 3-anyos na biktima ng pang-aabuso sa Taguig, sinasaktan rin ng kinakasama

86
0

MANILA, Philippines – Inilahad ng ina ng tatlong taong gulang na batang inabuso sa Taguig na siya rin umano ay nakaranas ng pananakit mula sa kanyang live-in partner, matapos arestuhin ng pulisya ang suspek na nahuling nananakit sa bata sa viral video.

Kinilala ng Taguig police ang suspek na si alias Carla, 28-anyos, na inaresto matapos ang insidente sa Sitio Buyo, Barangay Western Bicutan noong Mayo 18.

Sa viral video na kumalat sa Facebook, makikitang sinisipa at tinatapakan umano ng suspek ang bata, na nagdulot ng galit mula sa netizens.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang suspek at ang ina ng bata.

Sa isang Facebook post noong Mayo 20, humingi ng pang-unawa ang ina at nagbahagi ng mga larawan ng kanyang mga pasa habang sinasabing siya rin ay biktima ng pananakit ng kanyang partner.

“Pasensya Napo Kung iniisip nyo na Ganun Ako kawalang kwentang ina Ng batang binugbug… Pero hinihinge KO po nasany pakinggan nyo din po ang panig KO bilang nanay…” ayon sa kanyang post.

Sinabi ng ina na una niyang inakalang siya lamang ang inaabuso, ngunit kalaunan ay nalaman niyang sinasaktan din ang kanyang anak.

Inihayag din niya na pinagbantaan umano siya ng kanyang partner na papatayin ang kanyang anak kapag nagsampa siya ng reklamo.

Ayon pa sa kanya, natakot siya kaya nanahimik at ipinagkatiwala muna sa kanyang kapatid at hipag ang pangangalaga sa anak habang nagtatrabaho siya upang may maipakain dito.

Humingi rin siya ng tawad kay Taguig Mayor Lani Cayetano at humiling ng pang-unawa at panalangin mula sa publiko. Sinabi rin niyang handa niyang tanggapin ang posibleng pagkakakulong dahil sa kapabayaan kung ito naman ay para sa kaligtasan ng kanyang anak. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here