Home NATIONWIDE Sen. Escudero inatasan ng Ombudsman magsumite ng counter-affidavit kaugnay ng mga alegasyon...

Sen. Escudero inatasan ng Ombudsman magsumite ng counter-affidavit kaugnay ng mga alegasyon sa flood control

49
0
NAGBIGAY ng pahayag si Senate President Chiz Escudero, wala umano sa lugar ang Kamara na hindi sumunod sa ipinag-uutos ng impeachment court.Ito ang komento ni Escudero nang tanungin sa posibilidad na i-reject ng Mababang Kapulungan ang ibinalik na articles of impeachment.Ayon sa senador, hindi umano magkapantay ang Senado at Kamara sa bagay na ito. Sa parte ng impeachment, korte ang Senado at prosecutor ang Kamara. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman kay Senador Francis “Chiz” Escudero na magsumite ng kanyang counter-affidavit kaugnay ng mga alegasyon na sangkot siya sa umano’y flood control mess, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Huwebes.

“‘Yung kay Senator Chiz Escudero ay nasa preliminary investigation stage na po. There was an order to submit counter affidavit, na-receive ng opisina ni Chiz Escudero,” ayon kay Clavano.

Dagdag pa niya, hinihintay na lamang ang sagot ng senador upang umusad ang kaso.

“I believe ‘yung panel po natin ay naghihintay na lang sa kanyang counter affidavit para umusad na po,” aniya.

Ayon din sa Ombudsman, nasa preliminary investigation stage din ang hiwalay na kaso laban kay dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez kaugnay naman ng money laundering allegations.

Una nang itinanggi nina Escudero at Romualdez ang anumang pagkakasangkot sa mga umano’y anomalya sa flood control projects.

Samantala, sinabi rin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na patuloy ang case buildup ng kanilang tanggapan laban sa ilang opisyal at personalidad kaugnay ng flood control issues.

Ayon sa ulat, may ilang batch na ng kaso na naihain na ng Ombudsman, kabilang ang mga kasong graft at malversation laban sa ilang dating kongresista, contractors, at opisyal ng DPWH kaugnay ng umano’y ghost at substandard flood control projects. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here