Home NATIONWIDE Hazard pay ng mga civilian personnel sa WPS, suportado ng AFP

Hazard pay ng mga civilian personnel sa WPS, suportado ng AFP

44
0

MANILA, Philippines – Pinuri ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang House Special Committee on the West Philippine Sea (WPS) matapos aprubahan ang House Bill 8673 na magbibigay ng hazard pay at iba pang benepisyo sa mga sibilyang kawani ng gobyerno na nakatalaga sa WPS.

Ayon kay AFP spokesperson for the WPS na si Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, suportado ng AFP ang panukala bilang bahagi ng “whole-of-nation approach” sa pagprotekta ng soberanya at karapatan ng bansa sa naturang maritime area.

“Under our national government’s whole-of-nation approach, the defense of our sovereignty and sovereign rights in the WPS is a collective inter-agency effort,” ani Trinidad.

Saklaw ng panukala ang hazard pay, insurance coverage, serbisyong medikal at psychological, at maritime safety training para sa mga sibilyang personnel na naka-deploy sa WPS.

Ayon sa AFP, ang mga sibilyang kawani tulad ng mga law enforcement personnel, scientists, researchers, at administrative staff ay nakararanas din ng parehong panganib gaya ng mga sundalo dahil sa kondisyon ng dagat at presensya ng mga banyagang sasakyang pandagat.

“Providing these civilian personnel with hazard pay and other benefits is a critical step in recognizing their invaluable contribution,” dagdag ni Trinidad.

Sinabi rin ng AFP na buong suporta ito sa mga panukalang batas na nagtataguyod ng kapakanan at kaligtasan ng lahat ng frontliners sa maritime domain ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here