Home NATIONWIDE Kamara nagsagawa ng aerial inspection sa Sierra Madre; panukalang SMCDA itinutulak

Kamara nagsagawa ng aerial inspection sa Sierra Madre; panukalang SMCDA itinutulak

119
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa nitong Huwebes ang House of Representatives of the Philippines ng aerial inspection at site visit sa Northern Sierra Madre Natural Park sa Isabela bilang bahagi ng mas pinaigting na hakbang para protektahan at paunlarin nang sustenable ang Sierra Madre mountain range.

Pinangunahan ito nina Speaker Faustino “Bojie” Dy III at ng House Committee on Government Enterprises and Privatization sa pamumuno ni Parañaque Rep. Eric Olivarez. Kasama nila ang mga mambabatas, environmental officials, at technical stakeholders na lumipad sa ilang bahagi ng Sierra Madre upang suriin ang kagubatan, watershed systems, biodiversity zones, at mga komunidad na nanganganib sa illegal logging, deforestation, at climate-related disasters.

Kaugnay nito, isinusulong sa Kamara ang House Bill No. 3538 na naglalayong likhain ang Sierra Madre Conservation and Development Authority (SMCDA), isang ahensyang tututok sa pangmatagalang proteksyon, rehabilitasyon, at sustainable development ng Sierra Madre.

Ayon kay Dy, “The Sierra Madre is not just a mountain range. It is our natural defense against calamities, our source of biodiversity, and a lifeline for millions of Filipinos,”

Ang Sierra Madre na may habang higit 540 kilometro sa silangang bahagi ng Luzon ay tinatayang naglalaman ng humigit-kumulang 40% ng natitirang forest cover ng bansa at nagsisilbing natural na panangga laban sa malalakas na bagyo. Saklaw nito ang 10 probinsya at tumutulong na protektahan ang mahigit 50 milyong Pilipino sa Luzon.

Sa paliwanag ng panukala, binanggit ni Dy na ilang malalakas na bagyo ay humina matapos dumaan sa Sierra Madre, kabilang ang Super Typhoon Lawin noong 2016, Typhoon Ompong noong 2018, at Typhoon Ulysses noong 2020.

Gayunman, binalaan niya na patuloy na banta ang deforestation, illegal logging, kaingin, at lumang polisiya sa kagubatan, na maaaring magpalala ng pagbaha, landslide, at lakas ng mga bagyo.

Sa ilalim ng panukala, bubuo ang SMCDA ng komprehensibong plano para sa forest protection, watershed management, biodiversity conservation, ecological restoration, at sustainable development. Kabilang din dito ang pag-uugnay ng mga LGU at national agencies, regulasyon sa mga proyekto sa lugar, at pagsusulong ng eco-tourism, research, at climate-resilient infrastructure.

Ayon kay Dy, mahalaga ang Sierra Madre hindi lang sa kalikasan kundi pati sa pambansang kaligtasan at kahandaan sa sakuna. Ang Northern Sierra Madre Natural Park ay itinuturing ding isa sa pinaka-biodiverse na protected area sa bansa at tahanan ng maraming endemic at endangered species. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here