Home METRO Makikibirthday sana, mag-lola hinigop ng ilog

Makikibirthday sana, mag-lola hinigop ng ilog

56
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang lola at ang kaniyang limang taong gulang na apo matapos silang tangayin ng malakas na agos ng ilog habang tumatawid sa Digos City, Davao del Sur.

Sinabi ng Digos City Disaster Risk Reduction and Management Office na tumatawid sa Matti River ang mga biktima noong Martes ng hapon kasama ang isa pang apo na pitong taong gulang upang dumalo sana sa kaarawan ng isang kamag-anak.

Ngunit bigla umanong lumakas ang agos ng ilog kaya naanod ang lola at ang mas batang apo.

Makalipas ang ilang oras, narekober ang kanilang mga bangkay. Nakaligtas naman ang isa pang apo na pitong taong gulang.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa naulilang pamilya.

Samantala, nagkaroon naman ng pagbaha sa Barangay Capayuran sa Pigcawayan, Cotabato matapos masira ang isang dike dahil sa malakas na ulan. Nagsisilbi sana itong pananggalang laban sa pag-apaw ng ilog at sapa.

Agad nagsagawa ng clearing operations ang mga awtoridad at tinutukoy ang lawak ng pinsala, habang nananawagan ang mga residente ng agarang pagkukumpuni sa nasirang dike. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here