Home METRO P2.1M shabu nasamsam sa Lucena

P2.1M shabu nasamsam sa Lucena

47
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang umano’y high-value drug suspects at nasamsam ang mahigit P2.1 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation nitong Biyernes, Mayo 22 sa Lucena City.

Kinilala ni Lt. Col. Ryan Hernandez, Lucena City police chief, ang mga suspek na sina alyas “Rodel,” 37, at “Slight,” 26, na naaresto bandang 5:24 ng umaga sa Barangay Ilayang Iyam matapos pagbentahan ng P500 halaga ng shabu ang undercover police na nagpanggap na buyer.

Narekober sa mga suspek ang limang plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 103 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P2.1 milyon batay sa street market.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here