Home NATIONWIDE LTFRB nagbabala sa mga coop, kompanya na ‘di magbibigay ng payout sa...

LTFRB nagbabala sa mga coop, kompanya na ‘di magbibigay ng payout sa mga drayber ng SCP

80
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaari nitong ipatawag o suspendihin ang mga transport cooperative at corporation na hindi magbibigay ng payout sa kanilang mga drayber na kabilang sa Service Contracting Program (SCP).

Nauna nang inanunsyo ng ahensya na magtatapos ngayong Biyernes, Mayo 22, ang implementasyon ng programa.

Ayon kay LTFRB board member Atty. Greg Pua Jr., marami nang jeepney driver ang nagrereklamo dahil natatagalan umano ang paglabas ng kanilang payout kahit may pangako ang gobyerno na maibibigay ito sa loob ng limang araw.

Ipinaliwanag ni Pua na may ilang salik na nagdudulot ng delay kabilang ang pag-scan ng QR code at paggamit ng global positioning system (GPS) upang matukoy ang rutang tinahak ng mga drayber kada araw.

Dagdag pa niya, nakaaapekto rin ang pagdaan ng payout sa mga bangko at maging ang sistema ng distribusyon ng mga transport cooperative sa kanilang mga miyembro.

“In fact, I was talking to one transport group earlier. I said, ‘Why are you saying that we haven’t paid you yet. I have proof that you were already paid,’” ani Pua sa panayam ng mga reporter.

“They said, ‘Sir, we have been paid, but we haven’t distributed the money to our drivers and members, because we are still consolidating the days they were covered by the program,’” dagdag niya.

Nang tanungin kung iimbestigahan ng LTFRB ang mga posibleng nagbubulsa ng payout na para sa mga drayber, sinabi ni Pua na oo.

“Those drivers that are not paid well and enough by their corporations or cooperatives, kindly inform the LTFRB, and we will not hesitate to issue them a show cause order, and they may be suspended,” aniya.

Binanggit din niya na requirement sa SCP ang pagkakaroon ng bank account kaya mas tumatagal ang proseso kapag mula Land Bank papunta sa ibang bangko ang transaksyon.

Sa ilalim ng land-based SCP na nagsimula noong Abril 15, nagbibigay ang gobyerno ng P30 kada kilometro para sa traditional jeepneys, P40 kada kilometro para sa modern jeepneys, at P100 kada kilometro para sa mga bus unit.

Nagbigay rin ang programa ng 20 porsyentong diskwento sa lahat ng pasahero bukod pa sa umiiral na discounts para sa senior citizens, persons with disabilities at students.

Ayon kay Pua, naubos na ang P800 milyong inilaan para sa land-based SCP kaya tuluyan na itong magtatapos ngayong Biyernes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here