Home NATIONWIDE Obispo nag-alay ng panalangin sa mga cancer patient

Obispo nag-alay ng panalangin sa mga cancer patient

82
0

MANILA, Philippines – Nag-alay ng natatanging panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa mga cancer patient kasama ang mga pari ng Diocese of Antipolo sa Sanctuary of Our Lady of Lourdes sa France.

Sa kanyang panalangin, humiling ang Obispo sa Diyos ng kagalingan, lakas, at pag-asa para sa mga nakikipaglaban sa cancer, lalo na sa mga dumaranas ng takot, pagod, at pangamba.

“Lord Jesus, Divine Healer, embrace those who suffer from pain, exhaustion, and anxiety. Touch their bodies with Your healing hand, calm their troubled hearts, and renew their spirit with hope,” ayon kay Bishop Santos.

Ipinanalangin din niya ang mga pamilya, caregiver, doktor, nars, at lahat ng nangangalaga sa mga may sakit upang patuloy silang maging kasangkapan ng malasakit at pagmamahal ng Panginoon.

Binigyang-diin ng obispo na sa gitna ng paghihirap at pagsubok ay nananatiling buhay ang pag-asa at pananampalataya ng tao sa Diyos.

“We entrust all cancer patients to the maternal care of Our Lady of Peace and Good Voyage, that she may wrap them in comfort and bring them closer to Your Son, Jesus,” dagdag niya.

Ayon sa datos ng Philippine Cancer Society, umaabot sa 150,000 ang nagkakaroon ng cancer sa Pilipinas kada taon, kung saan karaniwan ang breast at cervical cancer.

Pangalawa ang cancer sa nangungunang cause of death ng mga Pilipino, partikular ang lung at liver cancer naitatala sa 21,000 at 11,700 kada taon.

Ang pagbisita sa Lourdes ay bahagi ng pilgrimage ng Diocese of Antipolo at pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje mula Mexico, gayundin ang ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Mahal na Birhen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here