PANAHON na para higpitan ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang mga tauhan na huwag masangkot sa anomang katiwalian na sumisira ng institusyon na kanilang kinabibilangan.
Ang tinutukoy dito ay ang mga talamak na illegal recruitment agency na parang nagsusulputang kabute sa proteksyong ibinibigay sa kanila na kahit maraming ng nalokong mga aplikante ay hindi man lang ito natitinag kapag sila ay inireklmo.
Ang ibat-ibang mga ahensya bagamat may ligal na papeleles para mag-operate tila mas marami pa ang kolorum at nakapanloloko ng kanilang mga biktima.
Magmula nang maupo bilang bagong kalihim si Hans Leo Cacdac Jr. ng Department of Migrant Workers, isa sa mga naging pangunahing binigyan niya ng pansin ay ang alamin kung bakit maraming siyang natatanggấp na balitang naloko na mga aplikante na náis mag trabaho sa abroad.
Dahil sa hindi magandang pangyayari minabuting humingi ng tulong ni Cadac sa National Bureau of Investigation upang madaling matunton kung sino-sino ang mga sángkot sa mga pananabotahe na nakasisira sa DMW.
May napaulat nấ ilan sa mga tiwaling alagad ng batas ay sangkot umano sa pamamalakad ng illegal recruitment o đi kaya’y nagbibigay proteksyon upang hindi mahuli ang mga sangkot.
Bunga nito, bukod sa NBI, nakipag-ugnayan din ang DMW sa pamunuan ng Philippine National Police upang wakasan ang mga nasabing gawain na nakakasira sa reputasyon ng gobyerno.
Sa banđang Malate sa Maynila, madalas may nakikitang tumatambay na mga pulis sa ilang recruitment agency gayong maayos naman ang kalagayan ng mga ito sa sentrong kalakalan.
Kaya naman, may mahalagang paalala ni Cacdac sa mga aplikante na magsiguro: i-check muna sa dmw.gov.ph kung lisensyado ang agency bago magbayad o magsumite ng dokumento.
Kung may reklamo o hinala, maaari ring lumapit sa National Bureau of Investigation o sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine National Police.






