Home TOP STORIES 6 Lebanese paramedics, utas sa Israeli strikes sa Southern Lebanon — Health...

6 Lebanese paramedics, utas sa Israeli strikes sa Southern Lebanon — Health Ministry

38
0

BEIRUT, Lebanon – Ayon sa health ministry ng Lebanon, anim na paramedics ang nasawi sa dalawang hiwalay na Israeli airstrike sa southern Lebanon sa loob lamang ng 24 oras nitong Biyernes.

Apat na paramedics mula sa Islamic Health Association ang napatay sa strike sa bayan ng Hanaway noong gabi ng Huwebes hanggang Biyernes. Dalawa pang medics mula sa Al-Rissala Scouts Association ang nasawi sa Deir Qanoun En-Nahr noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Israeli military, tinarget nito ang Hezbollah infrastructure sites at mga militante sa lugar. Sinabi rin nilang inaalam nila ang ulat na may mga “uninvolved individuals” na naapektuhan ng mga strike.

“The military said it took steps to mitigate potential civilian harm in part by ordering the population in both areas to flee.”

Naglabas ang Lebanon ng video mula sa Deir Qanoun En-Nahr kung saan makikitang may dalawang lalaki na naka-yellow vest na tumutulong sa isang tao bago may sumabog habang papalapit ang ambulansya.

Ayon sa health ministry, anim ang namatay sa Deir Qanoun En-Nahr kabilang ang dalawang medics at isang batang Syrian.

Sinabi rin ng Lebanon na umabot na sa mahigit 3,100 ang namatay mula noong Marso 2, kabilang ang mga sibilyan, kababaihan, at mga bata.

Ayon sa mga ulat, ilang ospital sa southern Lebanon ang napinsala o hindi na magamit dahil sa mga airstrike, kabilang ang Tebnine Hospital na tinamaan noong Huwebes.

Binibigyang-diin ng international humanitarian law na dapat protektahan ang mga healthcare workers at medical facilities, ngunit patuloy ang pag-atake sa mga lugar na ito ayon sa Lebanon health ministry. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here