Home METRO Posibleng rotational brownout ibinabala sa Oriental Mindoro

Posibleng rotational brownout ibinabala sa Oriental Mindoro

119
0

ORIENTAL MINDORO, Philippines – Nagbabala ang Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco) sa posibleng rotational brownouts sa lalawigan matapos manatiling kritikal ang power supply dahil sa kakulangan ng generating capacity.

Ayon sa advisory ng Ormeco, ilalagay sa “red alert status” ang Oriental Mindoro grid mula alas-8 ng umaga hanggang hatinggabi dahil mas mataas ang demand sa kuryente kaysa sa available supply.

Sinabi ng kooperatiba na 57.4 megawatts (MW) lamang ang dependable capacity ng lalawigan habang maaaring umabot sa 71.1 MW ang peak demand, na nagdudulot ng kakulangan na nasa 6.4 MW hanggang 13.7 MW.

Dahil dito, naghahanda ang Ormeco sa posibleng pagpapatupad ng Manual Load Dropping (MLD) o pansamantalang rotational brownouts upang maiwasan ang mas malaking system collapse.

“In simple terms, more consumers are requiring electricity than what existing power plants can currently provide,” ayon sa advisory.

Hinimok din ng Ormeco ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente lalo na sa peak hours sa pamamagitan ng pagpatay ng hindi ginagamit na appliances at pag-iwas sa sabay-sabay na paggamit ng malalakas sa kuryente na kagamitan.

Patuloy naman umano ang pakikipag-ugnayan ng kooperatiba sa mga power supplier upang mapatatag ang serbisyo ng kuryente sa Oriental Mindoro, na ilang buwan nang nakararanas ng power shortage na nakaapekto sa mga kabahayan at negosyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here