ILOILO, Philippines – Isang patay na dugong o sea cow ang inanod sa dalampasigan ng Banate dahilan para dumagsa ang mga residente sa lugar habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay nito.
Ayon sa ulat, tinatayang may habang anim hanggang pitong talampakan at bigat na 300 hanggang 400 kilo ang dugong.
Agad na sinuri ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO ang labi ng hayop upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.
Dahil sa kakulangan ng pagkain, napipilitang lumipat ng lugar ang ilang dugong na naglalagay sa kanila sa mas malaking panganib tulad ng pagkakasabit sa lambat, dynamite fishing, at banggaan sa bangka.
Sa kasalukuyan, itinuturing nang critically endangered ang mga dugong. RNT/MND