Home METRO Seaman na wanted sa panghahalay, huli sa Malabon

Seaman na wanted sa panghahalay, huli sa Malabon

100
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang  50-anyos na seaman na wanted sa kaso ng Rape makaraang mahuli ito sa naganap na pagtugis ng Malabon-PNP, napaulat kahapon.

Batay sa report na ipinarating sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang pagkakaaresto sa akusadong nakilala sa alyas “Roger”, ay nag- ugat matapos makarating sa kaalaman ng mga  tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig hinggil sa kinaroroonan nito.

Bunsod nito, isinagawa  ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 ang pagtugis sa akusado.

Nabatid na si alyas “Roger”  ay kabilang  sa talaan ng mga Most Wanted Person (MWP) ng Malabon CPS.

At dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 169, Malabon City para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa, inaresto ng mga tauhan ni Col. Umipig ang akusado nang makorner sa Barangay Tinajeros.

Matapos nito, isinailalim sa medical examination  ang akusado bago tinurnover sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS kung saan siya pansamantalang ipiniit habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here