MANILA, Philippines – Magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang trough ng Low Pressure Area (LPA) at easterlies ngayong Linggo, Mayo 24.
Ayon sa PAGASA, ang Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, Negros Island Region, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa trough ng LPA.
Ang Bicol Region, Quezon, at Aurora ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Easterlies.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC