Home NATIONWIDE BOC kinastigo ni Gatchalian sa smuggling ng sigarilyo, vape products

BOC kinastigo ni Gatchalian sa smuggling ng sigarilyo, vape products

37
0

MANILA, Philippines – Nagmimistulang walang silbi ang Bureau of Customs (BOC) sa patuloy na pagpupuslit ng sigarilyo at vape products sa ilang daungan tulad ng Subic Bay Freeport kaya nababawasan ang kita ng pamahalaan.

Ganito ang pananaw ni Senador Win Gatchalian dahil patuloy ang pagpupuslit ng sigarilyo at vape products sa kabila nang umaiiral na batas na nagpapahina sa ekonomiya.

Dahil dito, muling nanawagan si Gatchalian sa Department of Finance (DOF) at BOC na paigtingin ang mga hakbang upang sugpuin ang talamak na smuggling ng sigarilyo at vape products.

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng mga pinakabagong ulat tungkol sa naipuslit na mga sigarilyo sa bansa at binigyang-diin niya na lubhang nakababahala ang matinding panganib nito sa kalusugan ng kabataan.

Kabilang na dito ang permanenteng pinsala sa baga at posibleng maging sanhi ito ng kamatayan.

“Sa halip na nakatutok sa pag-aaral, marami sa ating mga kabataan ang nalululong sa paggamit ng vape lalo na’t maraming murang nabibiling mga smuggled na produktong ito,” ani Gatchalian.

Batay sa ulat ng EU-Asean Business Council at Euromonitor International Ltd, nawalan ang
Pilipinas ng humigit-kumulang P141 bilyon sa kita ng pamahalaan dahil sa iligal na kalakalan ng tabako o sigarilyo noong 2024 at 2025.

Binigyang-diin ng senador na bukod sa malaking kawalan sa kita ng bansa at mga banta sa kalusugan, nagpapahina rin sa pagpapatupad ng batas ang smuggling ng sigarilyo, nagpapasiklab ng korapsyon sa mga institusyon, at nagpapahina sa mga lehitimong
negosyo.

“Malaking bawas sa kita ng gobyerno ang patuloy na smuggling ng mga sigarilyo at vape products. Higit pa riyan, nagdudulot ito ng panganib sa kalusugan ng ating mga kababayan dahil hindi natin tiyak kung saan nagmumula ang mga produktong ito,” dagdag pa niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here