Home NATIONWIDE Puntod ni ex-vice mayor ng Aparri, sinira

Puntod ni ex-vice mayor ng Aparri, sinira

42
0

APARRI, Cagayan – Tila kawalan na ng respeto matapos umani ng magkakaibang reaksiyon sa mga konsernado mamayan ang ginawang paninira sa puntod ni dating Vice Mayor Rommel Alameda ng Aparri, Cagayan sa Aparri Cemetery.

Naglabas ng saloobin at gaalit sa social media si Ginang Elizabeth Alameda ang maybahay ng dating opisyal kung saan tinawag nitong halang ang kaluluwa ng mga naglapastangan sa puntod ng kanyang mister.

Palaisipan para kay Alameda kung anong motibo sa insidente kung pagnakawan o gusto lang manira.

Ayon sa mga netizen hindi na nila nirespeto ang namayapang opisyal na matatandaang tinambangan kasama ang limang iba pa noong February 19,2023 sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Kasama ni VM Alameda na napatay ang kanyang pinsan na si John Duane Alameda, Abraham Ramos Jr., Alvin Abel, Ismael Nanay Sr. at Alexander de los Angeles.

Kung saan ay hindi pa nakakamit ang hustisya ng mga kamag-anak ng mga biktima.

Umapela ang pamilya Alameda na sanay imbestigahan ng pulisya at kinauukulan ang naturang insidente. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here