Home NATIONWIDE Higit 18K litro ng langis aalisin sa sumadsad na barko sa Leyte

Higit 18K litro ng langis aalisin sa sumadsad na barko sa Leyte

1
0

MANILA, Philippines – Nakitaan ng ilang paglabag ang isang barko na sumadsad sa karagatan ng Tood Island sa Southern Leyte.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) , hindi pasado sa safety inspection ang MV GY Antares.

Isinailalim na sa Marine Casualty Investigation at Vessel Safety Enforcement Inspection ang cargo vessel kung saan lumabas ang limang deficiency na naging basehan para i-detain ito.

Ayon sa PCG, walang annual classification survey para sa huli at machinery ang barko.
Wala ring echo sounder na ginagamit para malaman ang lalim ng tubig.

Sira ang self-igniting lifebuoy light sa port bridge wing.

Hindi pirmado ng chief engineer ang mga entry sa engine logbook at nawawala ang fire hose nozzle sa engine room.

Dahil dito, nag-isyu ang PCG ng notice of hearing, notice of detention, at notice of deficiency.

Kinakailangan namang tanggalin ang 18,169 litro ng fuel ng barko na bago hilahin para maiwasan ang oil spill.

Pero nakaharang pa ang cargo sa manhole ng fuel tank sa second deck, kaya kailangan muna itong alisin.

Sa underwater inspection ng PCG Special Operations Unit-Eastern Visayas at CENRO Bato nitong Huwebes, may mga gasgas at yupi ang barko sa magkabilang gilid, pero walang coral na natamaan o nasira.

Patuloy na binabantayan ng PCG District Southern Leyte ang barko habang naka-detention, habang wala pang tiyak na schedule para sa fuel removal at towing operations. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here