Home HOME BANNER STORY 44 lugar makakaranas ng ‘danger’ heat index — PAGASA

44 lugar makakaranas ng ‘danger’ heat index — PAGASA

43
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 44 lugar sa bansa ang makararanas ng “danger” level heat index ngayong Lunes, Mayo 25, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Sa five-day heat index forecast ng ahensya, posibleng umabot sa 42°C hanggang 47°C ang heat index sa ilang lugar.

Pinakamataas ang inaasahang heat index sa Dagupan City, Pangasinan na maaaring umabot sa 47°C.

Posible namang pumalo sa 46°C sa:

-Aparri, Cagayan

-Tuguegarao City, Cagayan

-CLSU Muñoz, Nueva Ecija

Aabot naman sa 45°C ang heat index sa ilang lugar kabilang ang:

-ISU Echague, Isabela

-Baler at Casiguran, Aurora

-Subic Bay, Olongapo City

-Cavite City

-Puerto Princesa City, Palawan

Kabilang din sa mga inaasahang makararanas ng matinding init ang:

-Iloilo City

-Roxas City

-Catarman, Northern Samar

-Borongan, Eastern Samar

-NAIA Pasay City

-Laoag City

-Legazpi City

-Zamboanga City

Samantala, nasa “not hazardous” level o mas mababa sa 27°C ang heat index sa:

-Baguio City – 26°C

-La Trinidad, Benguet – 26°C

-Tuba, Benguet – 22°C

Ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang temperatura at halumigmig ng hangin.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na limitahan ang paglabas sa tanghaling tapat, gumamit ng payong o sombrero, uminom ng maraming tubig, at iwasan ang alak, softdrinks, tsaa, at kape upang maiwasan ang heat-related illnesses. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here