Home NATIONWIDE DMW nagpasalamat sa tulong, koordinasyon ng Netherlands sa kaligtasan ng mga Pilipinong...

DMW nagpasalamat sa tulong, koordinasyon ng Netherlands sa kaligtasan ng mga Pilipinong crew ng MV Hondius

47
0

MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang Department of Migrant Workers (DMW) kayong Netherlands sa tulong at koordinasyon para sa kaligtasan ng mga Filipino crew ng MV Hondius na naapektuhan ng hantavirus scare.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, “Nagpapasalamat tayo na very strong ang coordination with the Dutch government dahil sa panahong ito na matindi ang pangangailangan ng tripulante natin, talagang nandoon ang suporta natin at nagpahayag din tayo ng suporta sa kanila.”

Sinabi ni Cacdac na bumisita siya sa mga Pilipinong seafarer na naka-quarantine sa Netherlands alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para palakasin ang labor diplomacy para sa OFWs.

Ayon sa DMW, sa 38 Filipino crew ng MV Hondius, 21 ang kasalukuyang naka-quarantine at mino-monitor sa Amsterdam, habang ang iba ay na-test at na-quarantine pagdating sa Rotterdam noong Mayo 18.

Lahat ng crew ay nag-negative sa hantavirus at walang sintomas.

“Stringent health protocols are also being implemented during the 42-day quarantine period for the crew, which ends on June 18.”

Ayon sa Department of Health, ang 42-day quarantine ay batay sa incubation period ng hantavirus na maaaring magpakita ng sintomas sa loob ng 4 hanggang 42 araw.

Sinabi rin ng DMW na patuloy ang koordinasyon nila sa Department of Foreign Affairs para sa kapakanan ng mga OFW.

Samantala, iniulat din ng DMW na umabot na sa 10,129 OFWs, dependents, at stranded Filipinos ang nai-repatriate mula sa Middle East dahil sa tensyon, habang 34,188 katao ang nabigyan ng financial at emergency assistance.

Sa kabuuan, umabot na sa 70,148 on-site services ang naibigay ng gobyerno para sa mga OFW at kanilang pamilya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here