Home NATIONWIDE PNP nakaalerto sa mga posibleng bagong ICC arrest warrant

PNP nakaalerto sa mga posibleng bagong ICC arrest warrant

31
0

MANILA, Philippines – Nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng paglabas ng mga panibagong arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban sa ilang lokal na opisyal.

Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, naghahanda na ang kapulisan sakaling may ilabas pang warrant ang ICC, lalo na matapos ang isyu kaugnay ng paghahanap kay Senador Ronald dela Rosa.

Sinabi rin ng PNP na susundin nila ang anumang direktiba ng Department of Justice (DOJ) at kikilos ayon sa umiiral na batas.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na nais ng gobyerno na agad ipatupad ang mga susunod na ICC warrants upang maiwasan ang mga pagkaantala o pagtakas ng mga subject ng warrant.

Kasalukuyang hinaharap ni Dela Rosa ang warrant ng ICC kaugnay ng umano’y crimes against humanity na konektado sa war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here