Home HOME BANNER STORY Bentahan ng sasakyan, bumagsak sa 24.6% dahil sa mataas na presyo ng...

Bentahan ng sasakyan, bumagsak sa 24.6% dahil sa mataas na presyo ng langis

72
0

MANILA, Philippines – Bumaba ng 24.6% ang bentahan ng sasakyan sa Pilipinas noong Abril, ayon sa ulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA).

Umabot lamang sa 27,225 units ang naibentang sasakyan mula sa 36,104 units noong Marso.

Ayon sa ulat, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ay ang pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng tensyon sa Middle East, na nakaapekto sa desisyon ng mga mamimili na bumili ng sasakyan.

Sinabi ni CAMPI president Jose Maria Atienza na mas nagiging maingat ang mga customer sa pagbili ng sasakyan dahil sa mataas na gastos sa gasolina.

Karamihan sa benta ay mula sa commercial vehicles na umabot sa 79.51% ng total sales, habang ang passenger cars ay nasa 20.49% lamang. Patuloy ding nangunguna ang Toyota Motor Philippines sa market share na may higit kalahati ng kabuuang benta.

Ayon sa mga datos, mas dumami rin ang interes sa fuel-efficient at electric vehicles, habang bumababa ang demand para sa mga gas-powered na sasakyan dahil sa mahal na gasolina.

Sinabi rin ng industriya na ang trend ng pagbaba ay patuloy na epekto ng mas mahina pang recovery ng market at pag-iingat ng mga consumer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here