Home NATIONWIDE Recto hinainan ng kasong plunder dahil sa PhilHealth funds

Recto hinainan ng kasong plunder dahil sa PhilHealth funds

33
0

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamong plunder ang isang doktor laban kay Executive Secretary Ralph Recto kaugnay ng kontrobersyal na paglilipat ng pondo ng PhilHealth sa national treasury.

Ayon sa reklamo, kuwestiyonable umano ang paglilipat ng bilyun-bilyong “unused” PhilHealth funds dahil maaaring naapektuhan nito ang benepisyo at serbisyong dapat para sa mga miyembro ng PhilHealth. Kasama rin sa reklamo ang alegasyong nilabag ang Universal Health Care Act at National Health Insurance Act.

Nauna nang iniutos ng Korte Suprema ang pagbabalik ng ₱60 bilyong pondo sa PhilHealth at pinigilan ang karagdagang paglilipat ng pondo matapos makita ang posibleng paglabag sa batas.

Samantala, sinabi noon ni Recto na ginawa niya ang hakbang nang may “good faith” at ayon umano sa mandato ng Kongreso. Iginiit din niyang wala siyang criminal liability sa naturang isyu. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here