Home NATIONWIDE Mapanlait na On-Air remarks vs babaeng reporter sa Bacolod, kinondena ng NPC

Mapanlait na On-Air remarks vs babaeng reporter sa Bacolod, kinondena ng NPC

44
0

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang umano’y mapanlait at iresponsableng on-air remarks laban sa isang babaeng reporter sa Bacolod City.

Sa inilabas na pahayag ng organisasyon, sinabi nitong walang puwang sa responsableng pamamahayag ang rape jokes at mga seksistang komento laban sa kababaihan.

Binigyang-diin ng NPC na nararapat pairalin ng mga mamamahayag at broadcasters ang propesyonalismo, respeto, at pagiging sensitibo sa paggamit ng kalayaan sa pamamahayag.

Nanawagan din ang organisasyon sa mga broadcasters at media organizations na higit pang paigtingin ang pagpapatupad ng ethical standards, gender sensitivity, at accountability sa lahat ng plataporma ng komunikasyon.

Ayon pa sa NPC, mahalagang mapanatili ang dignidad ng bawat indibidwal at maprotektahan ang integridad ng propesyon ng media laban sa anumang uri ng pambabastos at diskriminasyon.

Tiniyak naman ng organisasyon na patuloy itong magsusulong ng responsableng pamamahayag na nagbibigay-galang sa karapatang pantao at mataas na pamantayan ng media profession. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here