Home SPORTS Record P10 million cash incentives naghihintay sa Palarong Pambansa medalists

Record P10 million cash incentives naghihintay sa Palarong Pambansa medalists

73
0

PROSPERIDAD, Agusan del Sur — Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Palarong Pambansa, ang Philippine Sports Commission (PSC) ay naglagay ng P10 million sa cash incentives para sa medal winners.

Ito’y kasunod sa direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. na pasiglahin ang national grassroots sports program.

Nanguna si President Marcos sa pagbubukas noong Linggo ng 66th Palarong Pambansa, na pangungunahan ng PSC sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), organizer of the Games na pangungunahan ng finest student-athletes mula elementary atsecondary divisions nationwide.

“Masaya akong ibalita sa inyo na sa unang pagkakataon, maglalaan ang Philippine Sports Commission ng mga incentives para sa mga medalists ng regular sports at para games bilang pagkilala sa inyong husay,’’ ani Marcos sa video message.

“Alam ko na gagawin ninyo ang inyong makakaya. Marami kayong matututunan sa Palarong ito na madadala ninyo kahit saan man kayo magpunta. Dito ninyo matututunan ang tiyaga, respeto, disiplina at malasakit sa kapwa,’’ dagdag nito.

Sa ilalim ng programa, ang mga gold medalists ay tatanggap ng P5,000, silver medalists P3,000, at bronze medalists P2,000, isang hakbang na idinisenyo upang mapanatili ang pagsasanay at pag-unlad ng atleta ng mga batang bayani sa palakasan ng bansa habang pinapagaan ang mga sakripisyong pinansyal na ginawa ng kanilang mga pamilya.

“Upang makatulong sa pagsasanay ng mga atleta at sa mga gastos ni Papa at Mama. Maliit na halaga lang ito sa dami ng lalahok at mananalo sa Palarong Pambansa. This is just a sincere gesture from our government na mula sa puso,” ani PSC Chairman Patrick Gregorio.

Binigyang-diin ng PSC na ang programa ay hindi lamang tungkol sa pinansiyal na suporta kundi tungkol din sa pagpapadala ng makapangyarihang mensahe na ang gobyerno ay matatag na nakatayo sa likod ng mga batang atleta nito sa simula pa lamang ng kanilang paglalakbay.

“Ang mga insentibong ito ay makakatulong din sa pag-udyok sa ating mga kabataang mag-aaral-atleta na magsikap at magsanay nang mas masipag. Tulong upang maabot ang kanilang pangarap,” ani Gregorio.

Sa tulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), sa pamumuno ni Chairman Al Tengco, titiyakin ng PSC na ang P10 milyong incentive fund ay makakarating sa Palaro medalists at magiging catalyst para sa mas malalim na pamumuhunan sa grassroots sports.

“Lahat po ito nagagawa natin sa tulong ng PAGCOR,” ani Gregorio.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here