Home METRO Basketball nauwi sa rambol at saksakan sa Maynila

Basketball nauwi sa rambol at saksakan sa Maynila

45
0

MANILA, Philippines – Nauwi sa rambulan at pananaksak ang isang basketball tournament sa isang barangay sa Barangay 116 sa Maynila, ayon sa ulat.

Napag-alaman na nagsimula ang kaguluhan nang hindi sang-ayunan ng mga player ang referee.

Nakadagdag naman sa kaguluhan nang sumali ang ilang manonood sa gulo.

Nahuli ang isang manonood na may hawak na patalim habang hinahabol ang ibang tao.

Sinaksak naman ng isang lalaking may alyas na “Leo” si Arsenio Albario Jr. kasunod ng away sa basketball court na kinasangkutan ng kani-kanilang mga pamangkin.

Isinugod ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Medical Center para gamutin, habang mabilis na tumakas ang suspek.

“Yung player naman po, nagkaroon ng intentional foul. Inamin naman talagang sinadya. Kaya lang nahaluan na ng mga kamag-anak,” ani barangay chairperson Edgar Solis.

Ayon pa sa ulat, nagkagulo sa kabilang kalsada at doon na rin nagkaroon ng pananaksak.

Sa kabilang banda, natanggap ng isang lalaki ang balita na nasaksak ang kanyang anak kaya napasugod sa basketball court.

Napigilan naman ang tangkang pagsaklolo ng lalaki nang harangin ng isa pang lalaking may dalang matalim na bagay.

“Pagdating ko, nakita ko na ang anak ko, may damage sa mukha. ‘Yung pamangkin ko, sabi niya nasa loob ng court mismo ‘yung nambugbog sa anak ko,” aniya.

Ayon sa awtoridad, mahaharap sa frustrated murder ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here