Home METRO Dalagang waitress itinumba ng durugistang tandem

Dalagang waitress itinumba ng durugistang tandem

36
0

Bulacan – Patay ang isang 27 anyos dalaga matapos pagbabarilin ng tandem sa Brgy. Muzon South, San Jose Del Monte (SJDM) nitong gabi ng Mayo 24.

Sa ulat ng SJDM police station, kinilala ang biktima na sj alyas “Aira”, single, waitress, residente ng Brgy. Muzon South.

Ayon sa ulat ng istasyon, habang nakatambay ang biktima sa gilid ng kalye ay biglang sumulpot ang mga suspek at bumunot ang isa rito at pinagbabaril ang biktima.

Nang makitang bumulagta ang biktima sa kalye ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng SJDM-Caloocan boundaries.

Dahil dito, at nang makarating sa pulisya ang nangyaring insidente ay agad nagsagawa ng follow up operation kaya nahuli kalaunan ang mga suspek na si alyas “Bugi”, 26 at alyas Glen, 23 kapwa residente ng Pabahay 2000, Brgy. Muzon South.

Sa isinagawang protective search, nakuha sa unang suspek ang belt bag, cal. 9mm loaded with 1 live cartridge on the chamber at six pcs live cartridge loaded sa magazine, blue pouch na may 13 medium heat sealed transparent plastic sachets na hinhinalang shabu na 50 grams na may street value na P349, 000.00.

Nakumpiska rin ang gray hoodie jacket na may bahid ng dugo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong murder laban sa mga suspek na nasa kustodiya ng istasyon habang isusumite rin ang mga nakuhang ebidensya sa forensic laboratory para sa ballistic at laboratory examination. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here