Home HOME BANNER STORY Ombudsman: Sen. Jinggoy kakasuhan sa pandarambong

Ombudsman: Sen. Jinggoy kakasuhan sa pandarambong

52
0

MANILA, Philippines – Sasampahan na ng kasong “plunder” si Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan, ayon sa anunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Sinabi ni Ombudsman Remulla na ang pagsasampa ng kasong plunder sa senador ay may kinalaman sa isyu ng maanomalyang proyektong flood control.

Pipirmahan na lamang aniya ang “information” upang pormal na maisampa sa Sandiganbayan ngayong darating na Huwebes.

Ayon kay Remulla, pinag-aralan pa nito ang rekomendasyon na ibinahagi ng Department of Justice kaya tumagal nang kaunti ang paghahain ng kaso.

Layon daw kasi na maging malinaw ang mga kasong isasampa ng Ombudsman sa korte tulad ng Sandiganbayan laban sa mga sangkot na indibidwal sa kontrobersyal na flood control.

Ibinahagi pa ni Ombudsman Remulla na mayroong “co-accused” sa kaso si Sen. Bato dela Rosa.

Ngunit aniya, ang ilan dito ay itinuring o kinuha na bilang mga “state witness” kung saan kinailangan ang mga testimonya para magpatuloy ang kaso.

Bukod kay Sen. Jinggoy, inanunsyo rin ni Remulla na kanila ring sasampahan ng kaso si Sen. Joel Villanueva.

Aniya, “hinog” na ang kasong inihahanda laban sa naturang senador na may kinalaman sa maanomalyang mga proyekto.

Posible raw itong maisapinal sa loob ng dalawang linggo at tuluyang maisampahan ng kasong plunder sa Sandiganbayan ang mambabatas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here