Home HOME BANNER STORY PBBM napairap sa ‘No-El 2028’ na pinalutang ni Imee

PBBM napairap sa ‘No-El 2028’ na pinalutang ni Imee

81
0

MANILA, Philippines – Nag-react si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes sa pamamagitan ng pag-irap nang tanungin tungkol sa alegasyon ni Senador Imee Marcos na may plano umano siyang “no-election” o “no-el” scenario para palawigin ang pananatili sa puwesto lampas 2028.

Bago bumiyahe para sa apat na araw na state visit sa Japan, tinanong ng mga mamamahayag ang Pangulo tungkol sa pinalutang ni Sen. Imee.

“I wanted a no elections scenario?” ani Marcos Jr. bago ngumiwi, ngumiti, umirap, at nagdire-direcho sa paglakad.

Nauna nang inihayag ni Senador Imee Marcos ang naturang akusasyon, na agad namang pinabulaanan ng Malacañang.

Samantala, nauna nang tinawag ni Communications Undersecretary Claire Castro na “diversionary tactic” ang pahayag ng senadora, at sinabing layunin nitong ilihis ang atensyon mula sa mas mahahalagang isyu, kabilang ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

“Ito ay para matakpan, matabunan ang totoong issue dahil nalalapit na yung impeachment trial,” ani Castro, at idinagdag na may nauna nang posisyon ang senadora sa impeachment bago pa man ito magsimula.

Binanggit din niya ang iba pang isyu sa Senado, kabilang ang umano’y pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa at isang insidente ng pamamaril.

Giit ng Malacañang, nananatiling sumusunod sa batas ang Pangulo at igagalang ang nakatakdang halalan sa 2028.

“Ang Pangulo lagi yan sumusunod sa batas, due process o anuman ang tungkol sa batas, hindi yan lumalabag sa batas,” ani Castro.

Magsasagawa pa rin ang 2028 national elections ayon sa iskedyul, dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here