Home HOME BANNER STORY PHDO inilabas ng Sandiganbayan vs. Marcoleta, Defensor at 2 iba pa kaugnay...

PHDO inilabas ng Sandiganbayan vs. Marcoleta, Defensor at 2 iba pa kaugnay ng P75M campaign donation

47
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Sandiganbayan Seventh Division ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Senador Rodante Marcoleta, dating Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor, at dalawa pang indibidwal, na nagbabawal sa kanilang pag-alis ng bansa kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa P75-milyong campaign donation.

Pinagbigyan ng korte ang kahilingan ng Office of the Ombudsman na saklawin ng PHDO sina Marcoleta, Defensor, at mga negosyanteng sina Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray habang isinasagawa ang preliminary investigation para sa plunder, paglabag sa Presidential Decree No. 46, at tatlong bilang ng indirect bribery.

Batay sa reklamo, iniimbestigahan ang umano’y pagtanggap at paghawak sa P75 milyong campaign donation noong 2025.

Ayon sa Ombudsman prosecutors, si Marcoleta ay nagkaroon ng “unjust enrichment” matapos umanong matanggap ang P75 milyon sa tatlong bahagi—P30 milyon noong Enero 6, P25 milyon noong Enero 8, at P20 milyon noong Enero 9, 2025—na hindi umano naideklara sa kanyang SALN at SOCE.

Dagdag pa ng reklamo, ang donor’s tax ay binayaran lamang noong Disyembre 2025, na itinuring na huli at indikasyon ng pagtatago ng transaksyon.

Giit ng Ombudsman, lumalampas sa threshold ng plunder ang halaga at may posibilidad na magtangkang tumakas ang mga akusado dahil sa laki ng kanilang pinansyal na kapasidad.

Sa kanyang privilege speech, itinanggi ni Marcoleta ang mga paratang at tinawag itong “trumped-up charges” na layong patahimikin siya at ang dissenting voices. Giit niya, hindi siya mapapatahimik ng mga kaso.

Ayon sa Ombudsman, kinakailangan ang PHDO upang matiyak ang presensya ng mga akusado sa mga pagdinig at maiwasan ang pagharang sa hustisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here