MANILA, Philippines – Ipinresenta ng kampo ni Mayor Akmad “Mitra” Ampatuan ng Shariff Aguak nitong Martes, Mayo 26 sa Department of Justice (DOJ) ang rocket-propelled grenade (RPG) na umano’y ginamit ng mga sangkot sa pag-atake sa kanya noong Enero 25.
Sa panayam, sinabi ni Atty. Cyrus Torreña, counsel ni Ampatuan, na ang RPG ay dinala mula pa sa Maguindanao bilang utos ng DOJ prosecutors na humahawak ng kaso.
Naghain si Ampatuan ng terrorism charges laban sa 15 indibidwal kaugnay sa ambush-slay kung saan nakasakay ang alkalde sa kanyang itim na SUV na sinusundan ng security escorts nito, nang sila ay paputukan ng RPG at mga putok ng baril.
“The main material we submitted was the RPG because the special panel of prosecutors directed us to produce the RPG for them to inspect it,” sinabi ni Torreña.
Ang mga pampasabog ay ituturn-over sa forensics unit ng Camp Crame.
Ang pagdinig nitong Martes ang ikalawang preliminary examination sa kaso.
Sa kabilang banda, inatasan naman ang respondents na magpasa ng kanilang counter-affidavit. RNT/JGC