Home NATIONWIDE 14 volcanic earthquake naitala sa Bulkang Mayon

14 volcanic earthquake naitala sa Bulkang Mayon

3
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pamamaga ng bulkang Mayon kasabay ang 14 na volcanic earthquake sa paligid nito umaga ng Huwebes, Oktubre 8.

Ayon sa PHIVOLCS, bukod sa 14 na pagyanig ay nakataas ang Alert Level 2 sa bulkan.

Samantala, nakapagtala rin ng pagbuga ng usok ang Bulkang Mayon na may taas na 900 metro.

Mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong (6 KM) radius Permanent Danger Zone dahil sa panganib.

Nagbabala din ang ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na maaaring maganap ang mga sumusunod gaya ng biglaang pagputok ng bulkan, pagguho ng bato mula sa tuktok ng bulkan at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here