Home NATIONWIDE Panukalang magpapalakas sa right to information umarangkada sa Kamara

Panukalang magpapalakas sa right to information umarangkada sa Kamara

30
0

MANILA, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang magpapalakas sa karapatan ng publiko sa pagkuha ng impormasyon sa gobyerno.

Sa ilalim ng House Bill 9397, bubuo ng Right to Information (RTI) Commission na magbabantay sa pagpapatupad ng paglalabas ng mga impormasyon sa publiko.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan, layunin ng panukala na palakasin ang transparency at gawing bukas sa publiko ang mga transaksyon ng gobyerno upang maiwasan ang katiwalian.

“The proposed RTI Act is anchored on a simple but fundamental principle — in a democracy, government information belongs to the people,” ani Suan.

Sakop ng panukala ang lahat ng sangay ng gobyerno kabilang ang local government units, state universities, GOCCs at iba pang ahensya ng estado.

Inaatasan din ang mga ahensya ng gobyerno na kusang ilathala ang mahahalagang impormasyon sa kanilang official websites at iba pang platform.

Magkakaroon din ng quasi-judicial powers ang RTI Commission para obligahin ang mga ahensya na sumunod sa disclosure requirements at magpataw ng parusa sa mga lalabag.

Matatandaang ilang beses nang nabigo sa Kongreso ang panukalang Freedom of Information law kahit nakasaad sa 1987 Constitution ang karapatan ng publiko sa impormasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here