MANILA, Philippines – NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Muslim communities sa bansa at ibang lugar sa mundo sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, o Feast of Sacrifice.
Hinikayat ang mga Filipino na maging kinatawan ng pagkakaisa, may habag at pagiging hindi makasarili sa pangangalaga sa mas mapagkalinga at mahabagin na Bagong Pilipinas.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga Filipino na dalhin ang diwa ng Eid’l Adha sa labas ng kasiyahan sa pamamagitan ng “acts of generosity, compassion, at inclusivity,” at umaasa na ang sagradong okasyon ay magbibigay ng inspirasyon sa mas malalim na pagmuni-muni at palalakasin ang ibinahaging asal na nagbigkis sa mga bansa na magkasama.
“In the name of Allah, the Most Compassionate and the Most Merciful, I join our Muslim brothers and sisters around the world in observing Eid’l Adha, the Feast of Sacrifice,” ang sinabi ng Pangulo.
“May this sacred observance inspire deeper reflection and renew our commitment to the values that bind us together as one people and one nation. Let us carry the spirit of Eid’l Adha into our daily lives and offer our own acts of generosity in building a more compassionate and inclusive Bagong Pilipinas,” aniya pa rin.
Sumasalamin sa kuwento ng propetang si Ibrahim, sinabi ni Pangulong Marcos na ang sagradong okasyon ay nagsisilbi rin bilang paalala ng matibay na pananampalataya, ganap na pagsuko sa kalooban ni Allah at pagtitiwala sa sa isang layuning higit pa sa sarili.
“It calls us to look beyond our personal desires and to recognize that true fulfillment is found in obedience, humility, and devotion,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.
Binigyang diin pa ng Pangulo na tangan ng Eid’l Adha ang ‘timeless message’ para sa mga tao ng lahat ng pananampalataya: “that sacrifice, when offered with sincerity and love, becomes a source of profound strength.”
Sinab pa ng Pangulo na “the occasion teaches us that anything surrendered for what is just and noble is never lost, but is instead transformed into blessings that enrich homes, strengthen communities, and uplift shared humanity.Through selflessness, bridges of understanding are built, divisions are healed, and a more just society is created.”
Tinapos naman ng Pangulo ang kanyang mensahe sa paghahatid ng kanyang mainit na pagbati sa Muslim community: “Eid Mubarak!” KRIS JOSE